Wednesday, May 30, 2012

PASANG-AWA KAY LORD!
Ano ang kahulugan ng bilang na 75 sa buhay ng isang tao? Sa mga batang nag-aaral sa elementarya at haiskul ito ay nangangahulugan ng “pasang-awa” o nakapasa lamang dahil sa awa ng titser at sa kagustuhan niyang maialis na ito sa kanyang klase dahil sa loob ng 2 o 3 taon ay di pa rin natutong bumasa at sumulat, kasi madalas absent. Alam ko iyan sapagka’t ginawa ko sa loob ng 21 taon ng pagtuturo.
Nguni’t para sa isang may edad nang katulad ko, matapos kong makapasa sa pagiging apo, anak, kapatid, pamangkin, pinsan, kamag-aral, kaibigan, kapitbahay, kabarangay, kasama sa simbahan at komunidad, atbp., ano kayang palagay ko sa 75? Ang una kong palagay, ito ay kasama sa “Bonus Years” matapos kong lumampas ng 70. Kasama na rin dito ang paghina ng katawan at pagkakasakit ng karaniwang sakit ng matatanda tulad ng paglabo ng mata at rayuma. Nguni’t ang hindi maitatangging aminin ay ang hilig na mag-isip ng mga paghihinanakit, galit na nagsisimula sa pagbibintang, panunumbat, paninisi, paghatol o pangamba, pagkukumpara ng sarili sa iba, at kakulangan ng pagpapasensya. Naranasan na ba ninyong mataguriang “Ina ng Laging Galit” o kaya ay “5 Star General” ? Tama kaya ang naiisip ko na ang ugat na lahat ng ito ay pagkainip dahil wala nang magawa ang matatanda upang makasabay sa buhay ng mga nakababata? Dati ako ang pumupuna. Ngayon ako ang pinupuna. Para akong may 4 na biyenan. Kaya tinuruan nila ako na gumamit ng cellphone, computer at tablet. Hindi ko na masasabing wala akong gawain sa aking katandaan lalo na’t hindi mapaalis ng Angry Birds ang mga baboy sa kulungan. Naiinis lang ako at naiinip.
Hindi ko naisama na nakapasa ako sa pinangarap na buhay may-asawa kahi’t na kinulang kami ng 3 buwan sa aming ika-50 taong anibersaryo. Nakapasa kami ni Susing sa aming magkatuwang na pangarap na makatapos ng pag-aaral ang aming mga anak. Silang lahat ay may kani-kanyang hanapbuhay. Ang panganay si Antonina o Nina ay nagkaasawa, si Vicente Ayco at nagkaroon ng 2 anak, si Pamela Grace o Pam at si Patrick Johann o Hans. Ang pangalawa, si Arceli o Nenette ay nakatira sa America at umuwi para makiselebreyt. Ang pangatlo si Amelia o Lea ay naiwang kasama kong namumuhay at nag-aalaga sa akin. Alam niya kung paano ako patatawanin kapag kami ay nag-away. Ang bunso na si Angelita o Sr. Lita, ay 10 taon nang perpetually professed na madre ng Franciscan Missionaries of Mary (FMM). Kasama rin po niya ngayon ang ilan pang mga FMM nuns na naging kaibigan na rin ng aming pamilya. (Sa tutoo lang, ang aking apat na anak ang nagplano at nagsagawa ng pagdiriwang na ito sa hangarin nila na, katulad ng ginawa nila sa kanilang ama noong ika-70 kaarawan niya, ako ay mapasaya pagkatapos makapasa sa lahat ng aming pinagdaanan bilang isang pamilya.
Bukod sa aking pamilya, may mga kasama rin tayo na mga kapatid ko at kanilang mga kaanak. Narito rin ang mga kapatid ng aking yumaong asawa at kanilang mga kapamilya. Kasama rin natin ang ilan pa sa mga taong naging mahalagang bahagi ng aking buhay, kabilang dito ang aking mga kababata; mga kaeskwela; mga naging kasama sa trabaho; mga naging kasama sa simbahan; mga kapitbahay; at mga kaibigan namin ng asawa ko at ng mga anak namin.
Sa inyo pong lahat na narito ngayon, nadama ko ang walang kapantay na pagmamahal ng Diyos na hindi ko kayang isipin kahi’t kailan pa man sa aking katandaan.
Kaya’t sa halip na mag-isip pa nang malalim, magrerelaks na lang ako at tatanggapin ang pagmamahal ng Diyos na ipinadama sa akin at nawa’y magkasama-sama tayong lahat sa Kanyang piling magpakailanman.
Hayaan n’yo pong tapusin ko ang ito sa pamamagitan ng isang maikling panalangin: Hinihiling ko sa Iyo, aming Amang Diyos, na manatili Kang lagi sa puso ng bawa’t isa sa amin at huwag kaming makalimot na sa bawa’t sandali, Ikaw ay lagi naming purihin at pasalamatan. Amen.
MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!


Sa aking buhay, nagkatotoo ang pang-akit ng musika. “Music Hath Charms” ang tanging naisulat ko bilang contributor sa aming school paper na The Republic noong nag-aaral pa ako sa MH Del Pilar High School (Malolos, Bulacan).  Narito ang ilan sa mga paborito ko:

1.    Unspoken (Sammy Davis Jr.) – ang kantang uso noong late 50s na pareho naming gusto ng asawa kong si Susing+. 
2.    Smile  (Nat King Cole) – gusto ko ito para maiwasan kong sumimangot.
3.    My Special Angel (Bobby Vinton, 1963) – meron akong manliligaw noon na isasayaw lang ako kung ito ang tugtog.
4.    Where The Blue of The Night (Meets the Gold of the Day) (Bing Crosby) – gusto ko ito dahil “...someone waits for me.”
5.    Somewhere My Love (Connie Francis, 1966) – gusto ko ‘yung singer
6.    Love Letters In The Sand (Pat Boone) – crush ko ‘yung singer
7.    Love And Marriage (Frank Sinatra) – I love marriage. Bata pa ako pangarap ko na ang pag-aasawa.
8.    I Loved You All The Way (Janie Frickie) – ’Yung sense ng song bagay sa pamilya especially kung paano ang ginagawa namin kung malapit nang maubos ang pera.
9.    Merry Widow Waltzobvious ba?
10. Que Sera Sera (Doris Day) – ito ang aking sinasabi para hindi ako mag-intindi kung ano ang mangyayari sa buhay ko sa darating na panahon.
11. I Need To Be Still (BJ Thomas) – biglang tinamaan ako nang marinig ko na kailangan ko palang mag-relax.
12. Born Free (Andy Williams) – bukod sa favorite song ito ni Susing+, matapos madama ang pagmamahal ng Diyos, nadama ko ang kalayaan.







Friday, February 17, 2012

God Will Make a Way

I wanted so much for February 18, 2012 t come the soonest when our high school valedictorian called up on the last week of January to announce that our Class '52 of Marcelo H. del Pilar High School,in Malolos,Bulacan, will have a reunion on that said date. That will be our 60th anniversary. Sad to say, she, Carmelita Rivera Espino , our valeditorian and one of the organizers of our reunion called up last Monday, February 13 to say that due to the requests of some of our co-alumni who are living abroad, the organizers postponed our reunion to the later part of April of this same year. I was frustrated because I wanted so much to attend .on this day.

My frustration turned to joy when an invitation for the oath-taking of our newly-elected officers of our community here at Leticia Townhomes was given to us yesterday. Today, our hearts were filled with happiness, when we felt that after 7 years of non-commitment for the welfare of our community,we had an election and oath-taking of our officers before the Barangay Chairman.Truly we believe that God will make a way for the good of everyone, so we praise Him and thank Him for everything.

Wednesday, January 4, 2012

New Years?

What is new about the year? What will distinguish it from the years that have passed?We grew up making resolutions to show our teachers so that we can get a high mark when it is in accordance with their expectations.Is this also our motivation when we have our bosses, our sweethearts,our friends [even our enemies] our life partners and in-laws,church leaders, etc.
How do we go about making our resolutions? Must they always be made on the first day of the year? Or do we always make them throughout the year every time we make mistakes? And in the process it is always our decision to add, subtract, multiply or divide. And at the end of the year, no one else but ourselves can declare us as winners.